Add parallel Print Page Options

17 Ang mga Israelita naman ay nakatipon ng 400,000 kawal na pawang bihasa sa digmaan.

Ang Digmaan ng mga Israelita at mga Benjaminita

18 Ang mga Israelita ay nagpunta sa tabernakulo sa Bethel at doo'y itinanong nila sa Diyos, “Aling lipi ang unang sasalakay sa mga Benjaminita?”

Sumagot si Yahweh, “Ang lipi ng Juda.”

19 Kinabukasan ng umaga, ang mga Israelita ay nagkampo sa tapat ng Lunsod ng Gibea.

Read full chapter